Mga Banderitas sa Tondo Pabigat sa Kalikasan
Lungsod ng Quezon. Pinuna ng isang grupong kontra basura at aksaya ang mga makukulay na banderitas sa Tondo at iba pang lugar na magdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Poong Santo Niño ngayong Linngo.
Ang sangkaterbang lastay, ayon sa EcoWaste Coalition, sa mga komunidad na magpipista ay pabigat sa Inang Kalikasan na matagal ng dumaraing sa lumalalang problema sa basura at polusyon.
“Sa kapal ng mga banderitas ay tila natakpan na ang langit at nagmistulang tambakan pa ng plastik,” pahayag ni Manny Calonzo, Pangulo ng EcoWaste Coalition.
Binatikos ng grupo ang paggamit ng mga lastay na gawa sa mga maninipis na supot na plastik, mga ginupit na plastik at mga mga patalastas ng iba’t ibang produkto na yari din sa plastik.
“Nakakalungkot na ang pista ni Santo Niño ay tila nagiging paligsahan para sa may pinakamakulay, pinakamahaba at pinakamakapal na banderitas na matapos ang ilang araw ay magiging basura at pahirap sa kalikasan at klima,” dagdag pa niya.
Ang mga basurang lastay, babala ng EcoWaste Coalition, ay tiyak na daragdag sa tone-toneladang mga basura na hinahakot at itinatambak sa mga kawawang lugar tambakan.
Nakiusap ang EcoWaste Coalition sa mga pinuno ng barangay na gamitin na lamang ang pera para sa mga palamuting banderitas sa mga bagay na tunay na makapagpapasaya, laluna sa mga bata.
“Ang badyet para sa mga banderitas ay maaaring idagdag na lamang sa mga papremyo para sa palaro o sa salo-salo para sa mga bata mula sa mahihirap na pamilya,” sabi ng EcoWaste Coalition.
Nananawagan ang EcoWaste Coalition kay Konsehal Numero Uno Lim ng Maynila na may akda ng isang panukalang ordinansa laban sa plastic bag na tututukan rin ang problema sa mga banderitas na plastik.
EcoWaste Coalition
Unit 320, Eagle Court Condominium, Matalino St.
Quezon City, Philippines
+63 2 9290376
ecowastecoalition@yahoo.com

Comments