Julieta "Yhet" Rafol-Garcia: Gone Home But Lovingly Remembered


 

YHET GARCIA
14 Nobyembre 1965 – 5 Oktubre 2018


Malungkot po naming ipinapabatid sa mga kasapi ng EcoWaste Coalition ang pagpanaw ng ating kasamang si Julieta “Yhet” Rafol-Garcia ngayong umaga, Oktubre 5, sa edad na 53 matapos ang matinding karamdaman.  Si Yhet ay buong pagmamahal na maaalala ng kanyang naulilang asawa na si Ariel, mga anak na sina Jossel Angelo at Gabrielle Marie, mga kamag-anak, mga katrabaho at mga kaibigan.  Si Yhet ay isa sa pinakaunang istap ng EcoWaste Coalition na ating katuwang sa mga makabuluhang pagsusumikap para sa sambayanan at kalikasan sa mahigit isang dekada.

Ang kanyang labi ay nakaburol sa kanilang tahanan sa #5, Villa Gloria 1 Subdivision, Barangay San Isidro, Angono, Rizal.  Ang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa kaluluwa ni Yhet ay magaganap sa Miyerkoles, Oktubre 5, 1:00 n.h. sa San Clemente Parish, Poblacion, Angono.  Pagkatapos ng Misa ang cremation sa Holy Garden, Barangay San Isidro, Angono. 

Taos-pusong pasasalamat kay Yhet sa maraming ala-ala ng mabuting pagkakaibigan at pagsasamahan; panalangin para sa  walang hanggang kapahingahan ng kanyang kaluluwa; at kapayapaan at katatagan ng loob para sa kanyang mga mahal na naulila.

Mula sa Kalihiman at Pamunuan ng EcoWaste Coalition
5 Oktubre 2018


Comments