Panata ng Botanteng Pilipino para sa Kalikasan

COMELEC Spokesperson Atty. James Jimenez joins environmental advocates in reciting a voter's pledge to keep the well-being of the people and the environment in mind at an event held in Plaza Miranda, Quiapo ahead of the May 13 mid-term polls.  


Ako, bilang isang botanteng Pilipino, ay nangangakong maninindigan para sa isang pamahalaang nagpapahalaga at nagsusulong ng kabutihan ng mamamayang Pilipino at ng kanyang kapaligiran.

Upang makamit ito, ako’y nangangako:

- Na ipagkakaloob ko lamang ang aking boto sa kandidatong inaasahan kong aalagaan ang kalikasan at tututol sa mga pwersang sisira o makapipinsala dito;

- Na aking iwawaksi ang mga kandidatong nagpakita ng pagiging mapag-aksaya at kawalang pagpapahalaga sa kalikasan sa panahon ng kampanyahan; at

- Na, higit dito, aaralin kong mabuti ang kwalipikasyon ng mga kandidato batay sa mga katangian ng pagiging Malinis, Maayos, Matipid, Mapanindigan, Marangal, Mapayapa, Makatao, Maka-kalikasan, at Maka-Diyos.

Ipinapangako ko ang lahat ng ito, bilang isang responsable at makakalikasang botanteng Pilipino. Kasihan nawa ako ng Maykapal na Siyang nag-atang sa akin ng responsibilidad bilang tagapangasiwa ng Kaniyang sangnilikha.

Comments