10 November 2013

Pakikiramay sa mga Biktima ng Bagyong Yolanda

(Litratong Kuha ni Romeo Ranoco/Reuters)

Kami po sa EcoWaste Coalition ay nagpapaabot ng aming taos-pusong pakikiramay at pakikiisa sa mga kababayang sinalanta ng bagyong Yolanda, laluna sa mga nawalan ng mahal sa buhay, sa mga nawalan ng tahanan, sa mga nawalan ng kabuhayan.  Sa gitna ng trahedyang ito na kumitil sa maraming buhay at pumigil sa maraming pangarap, kami po ay nananalig sa inyong muling pagbangon sa tulong ng mapagkawanggawang bayanihan at sa patnubay at pagpapala ng Poong Maykapal.

No comments: